Higit P6-B halaga ng illegal drugs susunugin – PDEA

0
53

Susunugin na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit sa P6-B halaga ng illegal drugs.

Ipinag-utos na ng korte ang pagwasak sa mahigit sa 1,400 kilo na karamihan ay shabu na nakumpiska sa nakalipas na dalawang taon.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nananalo ang pamahalaan sa giyera kontra droga.

Umabot na anya sa 12,000 barangay ang kanilang nalinis kontra illegal drugs at inaasahang malilinis rin nila ang 19,000 iba pa sa susunod na tatlong taon.