Monday, May 6, 2024

Municipal Building ng Baao, Camarines Sur, Temporary Lockdown

- Advertisement -




Iriga City – Dahil sa dumaraming mga kaso ng covid-19 sa Bayan ng Baao, Camarines Sur na ilan dito ay mga kawani ng local na pamahalaan, minabuti na magkaroon ng temporary lockdown simula kahapon hanggang sa May 31.

Ito ang ipinabatid ni Mayor Jeff Besinio kasunod ng patuloy na pagdami ng mga kaso mula sa iba’t-ibang opisina at patuloy na hawaan.

Bibigyan daan sa nabanggit na lockdown ang disinfection at contact tracing sa mga nakasalamuha O close contact ng mga kawani habang patuloy na ginagamot ang mga ito.

Magugunitang isang opisyal ng Municipal Planning and Development Office ang nasawi habang marami pang iba mula sa Health Office at Budget Office ang tinamaan ng nakamamatay na sakit.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 128 ang tinamaan ng sakit subalit 15 pa ang active cases matapos na maka-recover ang 103 habang 10 naman ang kabuuang nasawi dahil sa pandemya.

(Source: LGU Baao, Camarines Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img