Cebu slay case maituturing na “case solved” ayon sa PNP

0
49

Itinuturing ng PNP o Philippine National Police na cased solved na ang kaso ng pagpatay sa 16 anyos na si Christine Silawan.

Kasunod ito ng pagkakaaresto sa 17 anyos na suspek sa pagpatay kay Silawan na sinasabing dati rin nitong nobyo.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Supt. Bernard Banac, masasabing naresolba na nila ang kaso ng pagpatay kay Silawan pero hindi pa aniya masasabing sarado na ito hangga’t nananatiling malaya ang dalawang kasabwat ng pangunahing suspek.

Gayunman, hindi pa maidetalye ni Banac ang kaugnayan ng dalawang tinutugis pang salarin sa kaso dahil nakabatay lamang sila sa salayasay ng naarestong menor de edad na suspek.

Samantala, nilinis na rin ng PNP sa kaso ni Silawan si Jonas Bueno na naaresto naman ng CIDG sa Davao City dahil din sa kasong pagpatay.

(with report from Jaymark Dagala)