MRT magdedeploy ng mga bus sa 1-week maintenance ngayong Holy Week

0
56

Humingi ng pang-unawa ang pamunuan ng MRT-3 sa ipatutupad nilang isang linggong maintenance shutdown sa Mahal na Araw.

Hindi gaya sa mga nakalipas na taon, mas pinahaba ang maintenance shutdown sa darating na Holy Week na mula Lunes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.

Paliwanag ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati , malaking tulong ang isang linggong shutdown para kahit papaano ay makapagpahinga ang mga tren at maisaayos ang mga problema ng MRT sa kabuuan.

“Pasensya sa mga mananakay natin kasi kailangan nating i-extend ang ating Holy Week maintenance, marami tayong activities na gagawin sa maintenance gaya ng rail driving, may possible na riles na papalitan, magagawa lang ‘yan kapag naka-shutdown ang ating linya, and at the same time ‘yung structural testing din natin on top of the other general maintenance activities natin, electrical system, sub-system, signalling, minarapat natin na isahan na lang, nagdagdag na lang tayo ng dalawang araw rather than mag-schedule tayo ng other time.” Ani Capati

Batid naman ni Capati na maraming pasahero ang maapektuhan ng isang linggong maintenance shutdown ng MRT lalo’t may pasok pa ang mga manggagawa mula Lunes Santo hanggang mIyerkoles Santo.

Pangako naman ng opisyal na tigil-operasyon man sa Mahal na Araw ang MRT-3 ay magde-deploy naman sila ng mga bus na maaaring sakyan ng mga pasahero ng MRT sa Abril 15 hanggang 17.

“Ang gagawin namin diyan kung napapansin niyo dahil sa volume ng ating pasahero tuwing umaga, rush hour meron tayong bus augmentation, nag-de-deploy tayo ng mga bus from North Avenue to Ayala, magko-coordinate po kami kung sino ang mga available na puwedeng mag-assist, but normally ang panahon na ‘yan halos kalahati ang nawawalang pasahero dahil karamihan nasa probinsya pero nevertheless humihingi kami ng pasensya dahil importante talagang maayos ang operation ng MRT para after the Holy Week we’ll have a better service.” Pahaayg ni Capati

(Balitang Todong Lakas Interview)