Thursday, May 2, 2024

Banggaan sa House speakership maagang namumuo

- Advertisement -

Maagang namumuo ang banggaan para sa House speakership ng papasok ng 18th Congress.

Ito’y matapos ideklara ni Davao City Mayor Sara Duterte sa isang rally sa Tacloban City na ang nagbabalik kongresong si Congressman Martin Romualdez ang susunod na Speaker of the House.

Matatandaan na malaki ang naging papel ni Mayor Duterte para mapalitan bilang Speaker si Congressman Pantaleon Alvarez.

Samantala, pinanghahawakan naman di umano ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano ang salita ng Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang magiging Speaker of the House ng 18th Congress.

Sinabi ni Cayetano na hindi siya nagbitiw bilang DFA Secretary at tumakbong kongresista kung walang ispesyal na nais ipagawa sa kanya ang Pangulong Duterte sa Kongreso.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img