Isa sa mga nakalista sa ‘narco-list’ kumpirmadong nakalabas ng bansa

0
49

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na isa sa mga nakalista sa ‘narco-list’ ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nakalabas ng bansa.

Batay sa datos ng Immigration, umalis ng Martes ng gabi si Mayor Crisinciano Enot Mahilac ng Sinacaban Misamis Oriental kasama ang kanilang pamilya patungo ng Singapore.

Bagamat sumalang umano sa pagtatanong ng Immigration si Mahilac ay pinayagan rin naman itong umalis.

Ayon kay Dana Crizia Mengote Sandoval, wala naman silang record na may kaso si Mahilac.

—-