MRT-3 ops ilang minutong naantala kaninang umaga

0
50

Ilang minutong naantala ang biyahe ng MRT-3 dahil sa problema sa signalling system.

Ayon sa pamunuan ng DOTr – MRT-3 , mag-a-alas-9 ng umaga nang madetect ang problema sa North Avenue station kaya’t kaagad silang nagpadala ng technical at operations personnel.

Naayos din ang problema makalipas ang halos 17 minuto at naibalik sa normal ang operasyon ng mga tren.

Wala namang nangyaring unloading ng mga pasahero dahil sa nasabing aberya.