Duterte dapat nang magsalita hinggil sa Speakership bet

0
44

Dapat nang magsalita ang Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang mamanukin para maging House Speaker.

Ito, ayon kay Congressman Joey Salceda, ay para maiwasan ang aniya’y blood shed at mga ispekulasyon sa nasabing usapin.

Matitigil na rin aniya ang bangayan maging ng mga supporters ng mga tumatakbo sa pagka-house speaker sa sandaling marinig na ang napili ng pangulo na susuportahan sa pagka-Speaker of the House.