Go Signal ni Pangulong Duterte sa pag take over ng NAIA hinihintay na ng Philippine Air Force

0
52

Handang sumunod ang Philippine Airforce sakaling ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantala nilang pangasiwaan ang pagbabantay sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport.

Ito’y ayon kay Air Force Spokesman Maj. Aristides Galang, kung saan sinabi nito na walang problema sa kanilang hanay kung ano man ang i-utos sa kanila ng Pangulo, lalo’t ito ang kanilang Commander- in-Chief.

Anya, kabilang sa kanilang misyon ang pangalagaan ang kapayapaan ng bansa, kaya’t magagawa rin nilang pahupain ang magulong sistema sa naturang paliparan.

Magugunitang, inihayag ng pangulo sa kanyang talumpati sa Anibersaryo ng Presidential Security Group kamakailan na pansamantala niyang ipa-te-take over sa Airforce ang NAIA, matapos tumambad sa kanya ang mga reklamo hinggil sa mga naantala at nakanselang mga flights nang magsagawa ito ng surpresang inspeksyon sa paliparan.