MOU ng ‘oil deal’ sa China sinulat mismo ni DFA Chief Locsin

0
51

Nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na siya mismo ang sumulat sa MOU o memorandum of understanding on cooperation on oil and gas development sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ipinakita rin sa media ni Locsin ang kopya ng ginawa niyang MOU na siyang nilagdaan nila ni Chinese Minister of State Wang Yi.

Ayon kay Locsin ang kopya ng MOU na ipinakita ni Senador Antonio Trillanes IV sa media ay informal proposal lamang na gawa ng China.

Nagpasalamat si Locsin sa tiwalang ibinigay sa kanya ng China para siyang gumawa ng MOU.

Una rito, sa kanyang tweet sinabi ni Locsin na dapat ay magmula sa Pilipinas ang MOU para sa joint oil and gas exploration ng dalawang bansa.

Sinabi ito ni Locsin makaraang ihayag ni Presidential Spokesman Salvaldor Panelo na hindi na mahalaga kung sino ang gagawa ng draft agreement.

Samantala, ipriprisinta sa Kongreso ang anumang pinal na kasunduan para sa joint gas and oil exploration sa pagitan ng Pilipinas at China.

Inihayag ito ni Foreign Affairs Secretry Teddy Boy Locsin matapos isapubliko ang memorandum of understanding na nilagdaan nila ni Chinese Minister of State Wang Yi.

Sinabi ni Locsin na nakapaloob sa MOU ang pagbuo ng isang working group na bubuo ng mga panuntunan para sa joint exploration.

Sadya aniyang wala sa ginawa niyang MOU ang 60-40 sharing dahil ipinauubaya na sa working group ang desisyon kung paano hahatiin ang anumang biyaya na makukuha sa joint exploration.

—-