‘Condonation’ program ilalarga ng NHA

0
52

Nag-alok ng ‘condonation’ program ang National Housing Authority (NHA) para sa mga benepisyaryo ng pabahay na matagal nang hindi nakakapagbayad.

Ayon kay Wilma Hernandez, Manager ng Financial Management Department ng NHA, tinanggal na nila ang ipinapataw na multa at 75 porsyento ng interes sa mga hindi nakakapagbayad ng amortization.

Maaari rin aniyang i-reconstruct ang pagkakautang upang mapahaba pa ang panahon ng pagbabayad.

Sakali anyang nasa 70-anyos na ang umutang, puwede niya itong ipasa sa kanyang ka pamilya upang mapahaba hanggang tatlumpung taon ang pagbabayad.

Nilinaw ni Hernandez na hindi sakop ng programa ang mga walang binayaran kahit singko mula nang ma-award ang pabahay, yung mga na-foreclosed o nailit na, yung nag-abandona ng unit nang mahigit sa isang taon na at yung mga nakatira na hindi original awardee.

Mula sa dating anim na porsyento, ibinaba na rin ng NHA sa tatlong porsyento na lamang ang kanilang interest rate.

Ang ‘condonation’ program ay tatakbo hanggang sa February 2020.

—-