Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan nabawasan na

0
54

Nabawasan na ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga panatalan sa bansa.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa apatnaraan at tatlumpu’t dalawang (432) pasahero na lamang ang stranded sa iba’t ibang pantalan.

Maliban dito, hindi pa rin nakakapaglayag sa ngayon ang may limampu’t pitong (57) rolling cargoes, labing siyam (19) na barko at dalawampu’t tatlong (23) motorbancas.

Sa ngayon ay patuloy na kumikilos ang bagyong Samuel papalayo sa kalupaan ng bansa.

—-