29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Monitoring at assessment team binuo ng NIA

- Advertisement -

Binalaan ng pamunuan ng NIA o National Irrigation Administration ang mga tauhan nito na ginagamit ang pangalan ng ahensya para makapangikil.

Ito’y sa harap ng mga natatanggap na sumbong ni NIA Administrator Ricardo Visaya hinggil sa mga umano’y katiwalian sa mga regional offices partikular na sa pagpapatupad ng mga irrigation projects.

Kasunod niyan, bumuo si Visaya ng isang lupon na ang trabaho ay magkasa ng inspeksyon sa mga tanggapan gayundin ay suriin ang mga tanong at reklamo laban sa ilang tiwaling tauhan ng NIA.

Babantayan din aniya ng lupon ang mga proyekto ng nia upang matiyak na mabilis, maayos at malinis na naipatutupad ang mga reporma sa pamamahala at ang pagtutok sa mga nakabinbing proyekto.

Magugunitang apat na retiradong opisyal ng nia ang ipinagharap ng reklamo sa Ombudsman, apat naman ang tinanggal sa serbisyo habang siyam naman ang sinibak sa puwesto at kasalukuyang iniimbestigahan dahil sa katiwalian.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -