Bagyong Chedeng bahagyang bumagal ngunit napanatili ang lakas

0
54

Bahagyang bumagal ang bagyong Chedeng habang napanatili ang lakas nito.

Sa huling tala ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 650 kilometro  silangan ng Davao City. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45km/h malapit sa gitna at pagbugsong papalo sa 60km/h.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Nakataas ngayon ang tropical cyclone warning signal sa Davao Oriental, Compostela Valley, Davao del Sur, Davao City, Davao Occidental, katimugang bahagi ng Davao del Norte kabilang na ang Samal Island, silangang bahagi ng North Cotabato at silangang bahagi ng Sarangani.

 Ayon sa PAGASA posibleng tumama sa lupa ang bagyo bukas (March 19) sa bahagi ng Davao Oriental.

Asahan na ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Compostela Valley, at Davao del Norte ngayong araw.

Pinaalalahanan din ang mga residenteng apektado na mag-ingat laban sa posibleng landslides at flashfloods.

—-