Inilabas na ‘narco-list’ ng PDEA idinepensa

0
46

Nanindigan ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na tama at may sapat na batayan ang ginawa nilang narco list na isinumite naman kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y ayon kay PDEA Spokesman Usec. Derrick Carreon ay kasunod ng pag-amin ng pambansang pulisya na hindi pa sapat ang kanilang hawak na ebidensya para masampahan ng kasong kriminal ang mga pulitikong sangkot dito.

Sa panayam ng DWIZ kay Carreon, umabot umano aniya sa 14 na buwan o mahigit isang taon ang ginawa nilang revalidation at verification sa mga pangalang kabilang sa narco list.

Katuwang aniya nila rito ang iba pang miyembro ng ICAD o Inter-Agency Council on Illegal Drugs tulad ng NICA o National Intellegence Coordinating Council, DILG, PNP at AFP.

“That is precisely the purpose of the formation of the task force at kaya nga sir buwanan po ang validation namin dito. Kumbaga ang ginagawa natin dito kapag isang ahensiya lang ang nagsabi ng may involvement balik sa ground po ‘yan para i-validate ng ating mga field intelligence unit. Hindi po masasabi validated ang information if only one agency has allegations or holdings through intelligence.” Pahayag ni Carreon.

Paliwanag ni Carreon, kailangan aniya kasi ng direkta na partisipasyon ng mga pulitikong sangkot sa narco list sa kalakalan ng iligal na droga para masampahan sila ng kasong kriminal.

“Kaya nga po on board dito ang AMLC and PACC upang tulungan po kami. Director General Aaron Aquino sought the help of these other agencies because we will need more than just a intelligence. We will need to trace the money trail, paper trail of the transactions and conduct in-depth lifestyle checks on the personalities involved. Dahil definitely kung aasahan natin na sila ay makikipag-transaction ng kaliwaan pakiwari ninyo sasali actual transaction, I don’t think it’s going to happen, sir.” Ani Carreon.

interview from Sapol