28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mobile Clinic Ni Sen. Hontiveros At AKB Party List Sa Iriga City

- Advertisement -

Iriga City – Libreng konsultasyon sa doktor, ECG, X-ray, Ultrasound, Blood Chem, gamot at iba’t-ibang medical services ang dala ni Senator Risa Hontiveros sa Iriga kasama sina Cong. Elizaldy S. Co at Cong. Pido Garbin ng Ako Bicol (AKB) Partylist sa Iriga City.

Sa pakikipagtulungan ng pamahalaanng lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor ay nagtungo ang Mobile Clinic sa Iriga City Sports Center upang mabigyan ng libreng atensyon medical ang ating mga kababayan sa Iriga City.

Samantala, Nilagdaan nina Senator Risa Hontiveros at Ako Bicol Congressman Zaldy Co ang “Covenant to Assist Displaced Workers” upang tulungang makaahon sa hirap ang mga kababayan nating nawalan ng hanapbuhay.

Ayon sa kasunduan, maglalaan ng pondo sina Senator Hontiveros at Congressman Co upang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga kababayan nating nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya. Ito’y sa pamamagitan ng programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers.

(Source: LGU Iriga City, photo courtesy of Iriga City Official Facebook page)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -