Romualdez tiniyak na gagawan ng paraan ng Kamara ang UHC act

0
40

Tiniyak ni House Majority Leader Martin Romualdez na gagawan ng paraan ng Kamara ang kakulangan sa pondo para sa implementsayon ng Universal Health Care (UHC) act.

Aniya, pinasisiguro ni House Speaker Allan Cayetano na magkakaroon ng sapat na pondo ang UHC para maging maayos ang serbisyong ihahatid nito sa mga Pilipino.

Ito ay matapos aminin ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa muna mailalatag ang UHC sa buong bansa.

Dagdag pa ni Romualdez, maituturing na basic right ng bawat Pilipino ang kalusugan kaya gumagawa na ng mga proyektong pangkalusugan na abot kaya ang gobyerno.