28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

15 patay sa pag-atake ng armed group sa Thailand

- Advertisement -

Patay ang 15 katao sa pag-atake ng armadong grupo sa isang security checkpoint sa Yala Province, Thailand.

Ayon kay Col. Pramote Prom-in, Regional Security spokesman, wala pang grupo ang umako sa naturang pag-atake, ngunit malaki ang hinala ng mga otoridad na rebeldeng grupo ang nasa likod nito.

Aniya, kabilang sa mga nasawi ang ilang pulis at defense volunteers sa lugar.

Sa ngayon, tiniyak naman ng opisyal na paiigtingin nila ang seguridad sa nasabing probinsiya sa Thailand.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -