Kaso ng enforced disappearances sa ilalim ng Duterte administration umabot na sa 47

0
56

Aabot sa 47 kaso ng enforced disappearances o sapilitang pagdukot ang naitala sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay ito sa record ng human rights group na Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND) kung saan karamihan sa mga naitalang kaso ay may kinalaman sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay FIND Chairman Nilda Lagman-Sevilla, nahihirapan silang i-dokumento ang kaso sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon dahil nag-aalangang magsalita at makipag-ugnayan ang pamilya ng mga biktima.

Kahapon, kasabay ng mga pamilya ng desaparecidos sa paggunita ng kanilang mga kaanak na biktima ng rehimeng Marcos, nagtitik din ng kandila ang pamilya ng mga nasawi dahil sa kampanya kontra iligal na droga sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City.