Indonesian plane na bumagsak sa karagatan walang Pinoy na sakay

0
44

Walang Pilipinong sakay ng Lion Air plane ng indonesia na bumagsak sa karagatan.

Kasunod na rin ito nang pagpapaabot ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng pakikiramay at panalangin sa pamilya ng mga pasahero at crew members ng flight JT610.

Una nang inihayag ng Indonesian authorities na nawala na sa kanilang radar ang nasabing eroplano 13 minuto matapos itong mag take off sa Jakarta.

Tumanggi naman si Edward Sirait, chief executive ng Lion Air group na magsalita dahil patuloy pa aniya ang pagkuha nila ng impormasyon hinggil dito.