Pagkakatalaga kay Davao City Chief Vicente Danao sa MPD idinepensa ng PNP

0
52

Kumpiyansa si Philippine National Police (PNP) Chief Dir/Gen.Oscar Albayalde sa kakayahan ni S/Supt. Vicente Danao bilang bagong Pinuno ng Manila Police District (MPD).

Si Danao ang humalili kay dating MPD Director C/Supt.Rolando Anduyan na inilipat naman bilang bagong direktor ng Northern Police District (NPD).

Magugunitang umani ng kaliwa’t kanang batikos ang pagkakatalaga kay Danao na dating Hepe ng Davao City Police sa MPD dahil minsan na umano itong naakusahang nambubugbog sa kanyang may bahay

Depensa naman ni Albayalde, ang pagreretiro ni C/Supt. Gregorio Lim bukas, Nobyembre 14 aniya ang dahilan kaya’t nagpatupad sila agad ng balasahan

Mahigpit ang atas ni Albayalde kay Danao na tutulan ang talamak na iligal na Droga sa Maynila na siyang kabisera ng bansa kaya’t tiwala siyang gagawin nito ang mga repormang ipinatupad niya sa Davao City na baluwarte naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Danao ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1991 habang ang pinalitan niyang si Anduyan ay mula maman sa PMA Class of 1990.