Miyembro ng MPC inirekomendang sumailalim sa self quarantine —Andanar

0
23

Inirekomenda ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na sumailalim sa self quarantine ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps. (MPC).

Partikular na pinasasailalim sa self quarantine ang mga dumalo sa nakalipas na economic press briefing kung saan nagsilbing resource persons ang mga opisyal ng Department Of Finance at Bureau Of Internal Revenue.

Sinabi ni Andanar na bago ang briefing ang mga dumalong Department of Finanace (DOF) officials ay nagkaruon ng contact kay Finance Secretary Carlos Dominguez na naka self quarantine na, matapos magkaruon ng exposure sa isang pasyenteng nag positibo sa coronavirus (COVID-19).

Ipinag utos na rin ni Andanar ang pagsasagawa ng sanitation at disinfection sa Malacañang press briefing room, press working area at iba pang bahagi ng new executive building.

Ang mga tauhan din aniya ng PCOO ay pinapayuhang boluntaryong mag self isolation at magpatingin na sa doktor kung mayruong mga sintomas.