Kaso ng COVID-19 sa bansa pumalo na sa 52 —DOH

0
12

Sumampa na sa 52 ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) kung saan 3 indibidwal pa ang nagpositibo sa virus ngayong Huwebes.

Matatandaang, idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency sa bansa upang mabilis na matutukan ng pamahalaan ang virus.

Sa ngayon nasa mahigit 120,000 na ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo, habang hindi naman bababa sa 4,500 ang naitalang mga nasawi dahil sa dito.