Minorya ng Kamara pinapaliwanag si Diokno kaugnay sa P1-T nakaraang pondo na hindi nagasta

0
43

Pinagpapaliwanag ng minorya sa House of Representatives si Budget Secretary Benjamin Diokno kaugnay ng halos P1 trillion na mula sa mga nakaraang pondo ng bansa na hindi nagasta.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, nababahala sila sa posibilidad na mawaldas o magamit lamang sa kampanya ng mga kandidato ang panukalang P3.757 trillion national budget para sa taong 2019.

Samantala, itinanggi ng Kamara de Representates ang ulat na may isiningit na pork barrel sa 2019 national budget.

Sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya may mga patakaran para matiyak na hindi mawawaldas ang reenacted budget ng ilang mga ahensiya.

Dadgag ni Andaya, natagalan lamang sila na maipasa ang proposde 2019 national dahil kinailangan pang busisiin at idetalye ang mga inihabol na amyenda tulad ng hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte na P2 billion pabahay sa mga sundalo.