Korte binigo ang hirit ng 13 PCG officers kaugnay sa 2013 Taiwanese fisherman’s shooting

0
53

Binigo ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang hirit ng labing tatlong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nahaharap sa kasong homicide dahil sa insidente ng pamamaril sa Balintang Channel na ikinasawi ng isang Taiwanese fisherman noong 2013.

 Ito ay matapos hindi pagbigyan ng Manila Regional Trial Court Branch 15 ang inihaing demurrer to evidence ng mga akusadong coastguard officers para maibasura ang pagdinig sa kaso.

Kasunod nito, itinakda ng korte sa Disyembre 7 ang presentasyon naman ng ebidensiya ng depensa.

Magugunitang, Mayo 9, 2013 nang masangkot sa insidente ng pamamaril ang mga tauhan ng PCG kung saan kanilang napatay ang isang mangingisdang Taiwanese na lulan ng fishing vessel na illegal na nangingisda sa bahagi ng Balintang Channel.