Saturday, May 18, 2024

Duterte tinanggap ang imbitasyon na bumisita muli sa China sa susunod na taon

- Advertisement -

Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping na muli itong bumisita sa China sa Abril ng susunod na taon.

Batay sa joint statement ng Pilipinas at China, kinumpirma ang malugod na pagtanggap ni Pangulong Duterte sa imbitasyon ni Xi na dumalo sa ikalawang Belt and Road Forum for International Cooperation na gaganapin sa Beijing sa Abril.

Sakaling matuloy, ito na ang magiging pang-apat na beses na pagpunta ni Pangulong Duterte sa China matapos itong maupo noong 2016.

Kahapon, nakaalis na ng Pilipinas si Xi matapos ang dalawang araw na makasaysayang pagbisita sa bansa.

Dakong ala –una y medya kahapon nang sumakay ng eroplano ng Air China si Xi pabalik sa kanilang bansa.

Sa naging pagbisita ni Xi sa, 29 na kasunduan ang nilagdaan sa pagitna ng Pilipinas at China kabilang na ang memorandum of understanding (MOU) hinggil sa oil and gas exploration sa West Philippine Sea.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -