Minorya ng Kamara ipinanawagan ang violence free na 2019 elections

0
46

Ipinanawagan ng minorya ng Kamara ang tapat at violence free na 2019 midterms elections.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, dapat magkaroon ng tapat at walang karahasan na eleksiyon sa susunod na taon.

Ito ay kaugnay nang nangyaring pananambang kay Ako Bicol Party list Representative Rodel Batocabe na tumatakbong alkalde sa Albay.

Hinikayat rin ng mambabatas ang pulisya at iba pang law enforcement agencies na bilisan ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy na ang salarin sa pagpaslang kay Batocabe.