Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na hindi maapektuhan ng reenacted budget ang pondong gagamitin para sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, hindi magagalaw ang budget proposal ng Comelec sa hindi naaprubahang 2019 proposed national budget.
Dagdag pa ni Jimenez, walang kumontra sa 2019 proposed budget ng Comelec kaya’t kampante ito na hindi maapektuhan ang perang gagamitin sa darating na halalan at sa iba pang aktibidad ng ahensiya.
Inaasahan naman ng Comelec na walang magiging hadlang sa mga nakatakdang schedule activities para sa halalan sa susunod na taon.