31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

MPD ipinaubaya sa mga barangay ang pagtatalaga ng firecracker zone

- Advertisement -

Ipinaubaya na ng Manila Police District (MPD) sa mga punong barangay ang pagtatalaga ng mga firecracker zone sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay MPD Spokesperson Police Sr. Insp. Ana Simbajon, mas kabisado ng mga punong barangay ang kanilang sinasakupang lugar, kaya’t mas mapangangasiwaan nito ang seguridad ng mga mamamayan.

Umaasa rin naman ang mpd na mas mababa ang bilang ng biktima ng firecracker related injuries sa pagsalubong ng bagong taon.

Batay sa ulat ng Department of Health (DOH), umabot na sa 24 ang bilang ng firecracker related injuries ngayong buwan ng Disyembre.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -