Minority senators pinaiimbesitagahan sa Senado ang ‘Sagay 9’ massacre

0
54

Pinaiimbestigahan ng minorya sa Senado ang kaso ng pagpatay sa siyam na magsasaka ng tubo sa Sagay City, Negros Occidental noong Oktubre.

Sa inihaing Senate Resolution No. 929 nina Senadora Leila De Lima, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes IV at Senate Minority Leader Franklin Drilon, kanilang iginiit ang agarang aksyon ng gobyerno sa dekada nang kabiguan sa agrarian reform program.

Anila hindi maituturing na isolated case ang Sagay 9 dahil ipinakikita lamang nito ang kasalukuyang sitwasyon sa mga sakahan sa bansa at kinahahrap na suliranin ng mga magsasakang Filipino na kinakailangan ng agarang atensyon mula sa pamahalaan.

Binigyang diin din ng mga minority senators ang muling pagaarala sa implementasyon ng Republic Act No. 6657 or the Comprehensive Agrarian Reform Law.

Magugunitang, pinagbabaril at sinunog pa ang siyam na magsasaka na kinabibilangan ng mga kababaihan at dalawang menor de edad habang naghahapunan sa kanilang inokupang bahagi ng Hacienda Nene noong Oktubre.