Militar nakaalerto sa posibleng pagsalakay ng BIFF ngayong Undas

0
45

Nakaalerto ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa posibleng pagsalakay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ngayong Undas.

Ayon kay Army 6th Infantry Division Philippine Army Spokesperson Major Arvin Encinas, hindi nila hahayaang magtagumpay ang BIFF sa pagsasagawa ng karahasan lalo’t dagsa na ngayon ang mga bumibisita sa mga sementeryo.

Una rito, namataan ng mga sibilyan ang mga armadong miyembro ng BIFF na nagtitipon-tipon sa Liguasan Delta sa Maguindanao at North Cotabato.

Nabatid na plano umano ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng BIFF ISIS inspired group na gumanti matapos na kumalas ang ilan sa kanilang mga tauhan.

—-