Holiday pay rules para sa Undas ipinaalala ng DOLE

0
55

Nagpaalala ngayon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer hinggil sa dapat matanggap na bayad ng mga empleyadong papasok ngayong Undas.

Ayon sa DOLE, dahil deklaradong special non-working day ang November 1 at 2, tatanggap ng 30 percent ng kanilang arawang sahod sa unang walong oras ng trabaho ang mga papasok sa naturang mga petsa.

Karagdagang 30 percent naman kada oras ang dagdag na ibibigay para mga manggagawang lalagpas sa walong oras.

Kung nagkataon namang rest day ng manggagawa ngunit pumasok ito sa trabaho, tatanggap naman ito ng karagdagang 50 percent ng kanyang arawang sahod para sa unang walong oras na paggawa.

Sakali namang nag-overtime, dagdag na 30 percent ang matatanggap nito ng kanyang hourly rate ang ikakarga sa sahod nito.

—-