31.6 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

MILF may pangamba sa gagawing plebisito para sa BOL

- Advertisement -

Naghayag ng mga pangamba ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa gaganaping plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Enero 21.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar, Chairman ng Bangsamoro Transition Commission, na nangagamba silang magamit sa plebisito ang umiiral pa ring bulok na sistema ng eleksyon sa bansa.

Bagamat overwhelming aniya ang pagtanggap ng mga mamamayan sa mga lugar na masasakop ng BOL, merong ilang pulitiko na tutol rito tulad ni Sakur Tan II na naghain ng petisyon sa Korte Suprema at ang mayor mismo ng Cotabato City.

Hinamon ni Jaafar ang mga kontra sa BOL na maglatag ng alternatibong hakbang upang mabawasan kundi man tuluyang mawakasan ang rebelyon sa Mindanao.

“Alam po ninyo ang tao kung ayaw sa isang bagay ay kailangan meron siyang ipalit, if you don’t want this kind of solution you should have an alternative solution to the issue, maaaring ang tao tumututol sa isang bagay sa iba’t ibang dahilan marahil kasama diyan ang political interest, financial interest, business interest, family interest.” Ani Jaafar

Binigyang diin ni Jaafar na sa pamamagitan ng BOL, mababawasan ang mga isyung nagiging ugat ng rebelyon.

Inihalimbawa ni Jaafar ang mga isyung ginagamit ng CPP-NPA upang makapagrecruit ng miyembro tulad ng katiwalian sa pamahalaan.

Ayon kay Jaafar, pinakamainam pa ring solusyon sa rebelyon ang malinis na pamamahala.

“Maraming isyu tungkol sa kakulangan ng pamumuno, hindi lahat pero aminin natin andiyan pa rin ang corruption sa gobyerno, maraming bagay ang nandiyan sa gobyerno na ginagamit itong isyu ng leadership ng CPP-NPA, palagay ko manatili ‘yan, if you ask me anong pinakamabisang paraan, prim the government.” Pahayag ni Jaafar

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -