Saturday, May 4, 2024

Surveillance system na ikakabit ng China nais i-review ng DICT

- Advertisement -

Hihilingin ng Department of Information Communications Technology (DICT) sa Department of Interior and Local Government (DILG) na payagan silang i-review ang surveillance system na ikakabit ng China sa ating bansa.

Ayon kay DICT Officer in Charge Eliseo Rio, nais nilang makita kung mayroong panganib na masagasaan ang privacy ng mga mamamayan sa ikakabit na surveillance system.

Ipinaliwanag ni Rio na tanging ang DILG ang nakipagkasundo sa Huawei ng China para sa pagkakabit ng mga CCTV sa iba’t ibang panig ng bansa dahil seguridad naman ang pinakalayunin ng proyekto.

Gayunman, ang concern naman aniya ng DICT ay matiyak na ang mga impormasyong makukuha sa surveillance system ay hindi lumalabag sa privacy ng mga Pilipino.

Ang kasunduan ng DILG at Huawei ng China para sa dalawampung (20) bilyong pisong proyekto ay isa sa mga kasunduang nalagdaan nang bumisita sa bansa si Chinese President Xi Jin Ping.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img