Friday, May 3, 2024

Mga ‘party goers’ pinag-iingat ng PDEA ngayong Kapaskuhan

- Advertisement -

Pinag-iingat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga madalas na dumalo sa mga party ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Derrick Carreon, Spokesman ng PDEA, masyado nang mapanganib ngayon ang iba’t ibang uri ng nagkalat na party drugs.

Tiniyak ni Carreon na nakamatyag ang PDEA at iba pang law enforcement agencies sa iba’t ibang pagdiriwang lalo na ang mga events na iniaalok ng iba’t ibang nightclubs at bar.

“Bukod sa nakalalasing na inumin baka may magtangka diyan na mag-introduce ng iligal na droga sa party goers at ‘yan ang pinaka-iingatan natin lalo na ang mga bagong party drugs ngayon, pinapatak lang sa inumin ‘yan at napaka-delikado, nawawala sa sarili ang nakakagamit. Party drugs now come not only in tablet and capsule form, pinaka-delikado dito ay ‘yung colorless and odorless liquid.” Ani Carreon

Samantala, sinabi ni Carreon na kasama na pinalawak na programa ng PDEA ang mga batang gumagamit ng solvents tulad ng rugby.

Bahagi aniya ito ng programa para malimitahan o kundi man tuluyang mawala sa merkado ang mga ipinagbabawal na gamot.

“Hangga’t may tumatangkilik sa iligal na droga meron at merong magpapakalat niyan sa iba’t ibang paraan dito sa bansa, ay hindi ‘yan mawawala, dapat may katugma itong anti-drug advocacy campaign sa bawat lugar magmula sa tahanan, sa paaralan sa ating workplace.” Pahayag ni Carreon

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img