MILF kumpiyansang kayang pamahalaan ang BARMM

0
48

Kumpiyansa ang MILF o Moro Islamic Liberation Front na kaya nilang pamahalaan ang bagong tatag na BARMM o Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ito ang naging reaksiyon ni MILF chairman at Bangsamoro Transition Authority Interim Chief Minister Murad Ebrahim hinggil sa banat ng MNLF na wala silang kakayahan na palaguin ang bangsamoro region.

Paliwanag ni Ebrahim, ito ang dahilan kaya’t humihingi sila ng sapat na panahon upang mailagay sa tamang pagpapatupad ang mga probisyon ng BOL o Bangsamoro Organic Law.

Matatandaang, una na ring sinabi ni Ebrahim na sapat ang kanilang apat na dekada na pakikibaka upang paunlarin at pamahalaan ang Bangsamoro region.