Saturday, May 18, 2024

Ex-DOH Sec. Garin kumpiyansang maibabasura ang mga kasong isinampa sa kanya

- Advertisement -

Kumpiyansa si dating Health Secretary Janette Garin na maibabasura lamang ang mga kasong isinampa ng Department of Justice o DOJ laban sa kaniya, hinggil sa kontrobersiyal na dengue immunization program na dengvaxia.

Ayon kay Garin, walang basehan ang kasong “reckless imprudence resulting to homicide” na isinampa sa kaniya, at sa ilan pang personalidad.

Giit nito, nakababahala ang posibleng epekto ng desisyon ng panel of investigators ng DOJ sa nasabing kaso.

Aniya, ilang beses na ring idineklara ng World Health Organization o WHO na ligtas at wala namatay dahil sa naturang bakuna.

Kasabay nito, muli namang binigyang diin ni Garin na wala naging masamang epekto ang dengvaxia sa mga nabakunahan nito sa Estados Unidos at European Union o EU.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -