Mga tatangging magpa-quarantine posibleng makasuhan —NCRPO

0
19

Posibleng maharap sa kaso ang sinumang tatangging magpasailalim sa quarantine.

Ito ang ibinabala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Dir. Major General Debold Sinas kaugnay ng mga ulat na mayroong mga nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) na nagtangkang tumakas at iwasang maka-quarantine.

Sinabi ni Sinas na maaring maharap sa paglabag sa quarantine law ang sinumang tatangging magpa-quarantine.

Sa ngayon, muling umapela si Sinas sa publiko na sumunod na lamang sa mga ipunatutupad na hakbang ng pamahalaan upang labanan ang pagkalat ng virus.