Friday, May 10, 2024

Mga tao sa likod ng Ang Probinsyano nakipag-dayalogo sa PNP

- Advertisement -

Nakipag-dayalogo na sa Philippine National Police (PNP) ang mga tao sa likod ng programang “Ang Probinsyano”.

Kasama ang aktor na si Coco Martin at ilang executives ng ABS-CBN, nakipag usap ang mga ito sa pamunuan ng pambansang pulisya hinggil sa reklamo ng PNP sa teleserye.

Ngunit wala si PNP Chief Oscar Albayalde sa nasabing closed-door meeting dahil dumalo umano ito sa international criminal police organization general assembly sa UAE.

Gayunman, umaasa si Martin na sa kanilang pakikipagdayalogo sa PNP ay maaayos na ang lahat ng di pagkakaunawaan at wala nang magiging problema.

Una rito, umalma si Albayalde sa aniya’y masamang imahe ng mga pulis sa sikat na teleserye ng Kapamilya network.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -