Sunday, April 28, 2024

DOH nagbabala sa publiko lalo na sa mga umiinom ng antibiotics

- Advertisement -

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko lalo na sa mga mahilig mag self-medicate at umiinom ng antibiotics.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, maaaring makapag dulot ng hindi maganda ang pag-inom ng antibiotics nang hindi sumasangguni sa doktor.

Maging ang World Health Organization (WHO) ay naaalarma na aniya sa antimicrobial resistance o ang kakayahan ng micro-organisms na labanan ang epekto ng antibiotics, anti-virals at anti-malarials.

Kaya’t payo ni Duque iwasan ang pag se-self medicate at sumangguni sa mga doktor upang matiyak ang mga gamot na dapat na inumin para sa inyong sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -