Duterte nilagdaan ang EO na bubuo sa NACC

0
53

Bubuo na ang pamahalaan ng National Anti-Money Laundering and Countering The Financing Terrorism (NACC).

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 68 na nag-aatas para bubuuin ang NACC na tututok sa mga salaping nakuha mula sa iligal na paraan at ang pagpopondo sa mga grupo ng terorista.

Pamumunuan ang NACC ng executive secretary o authorized representative habang magiging vice-chairman naman ang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) o ang chairperson ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Kabilang din sa NACC ang foreign affairs secretary, finance, justice, national defense, interior and local government, trade and industry.