Thursday, May 2, 2024

Mga suspek sa pagsabog sa Maguindanao tukoy na

- Advertisement -

Tukoy na ng mga otoridad ang suspek sa pagpapasabog sa bayan ng Talayan sa lalawigan ng Maguindanao, kahapon.

Ayon kay Ronald Briones, director ng Maguindanao Police Provincial Office, grupo ni Kumander Abu Toraife ng BIFF ang may pakana sa pagpapasabog.

Batay sa inilabas na impormasyon ng 6th infantry division ng Philippine Army, alas 12:00 ng tanghali kahapon ng sumabog ang isang IED o Improvised Explosive Device na inilagay sa isang motorsiklo sa naturang lugar.

Samantala, naniniwala naman ang mga otoridad na walang kinalaman ang pagpapasabog sa ikalawang plebisito para sa BOL o Bangsamoro Organic Law.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img