Friday, May 17, 2024

2 suspek sa pagsabog sa mosque sa Zamboanga kinasuhan na

- Advertisement -

Sinampahan na ng kasong kriminal ng Zamboanga City Police ang dalawang suspek sa pagpapasabog sa mosque sa Barangay Talon-Talon sa Zamboanga City.

Ayon kay City Police Director Senior Supt. Thomas Joseph Martir, naghain na sila ng mga kasong double murder at multiple frustrated murder sa city prosecutor’s office laban sa mga suspek.

Personal anyang itinuro ng isang testigo ang dalawang suspek na nakita niyang agad na umalis sa lugar sakay ng motorsiklo ilang segundo bago mangyari ang pagsabog.

Hindi muna pinangalanan ng mga otoridad ang testigo habang hinihintay pa ang arrest warrant na ilalabas ng korte laban sa mga suspek.

Dagdag pa ni Martir, wala pang katiyakan kung ano ang motibo ng pagpapasabog dahil hindi konektado sa anumang teroristang grupo ang dalawang naturang suspek ngunit dati nang nakulong sa kasong frustrated murder at nakalaya lamang noong taong 2016.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -