Mga sukang may synthetic acid tinanggal na sa ilang pamilihan

0
54

Tinanggal sa mga grocery store at supermarket ang mga sukang may synthetic acid.

Ayon kay Trade and Industry Asst. Sec. Anne Cabuchan, ito ay kung pagbabasehan ang 29 na establisyemento na kanilang ininspeksyon nitong mga nakalipas na mga araw.

Gayunman sinabi ni Cabochan na sa mga palengke ay wala pa silang naiikutan.

Kasabay nito, nilinaw ng opisyal na wala sa kanilang hurisdiksyon ang tumukoy sa paglabag sa sukang may synthetic acid sa halip ay nasa kamay ito ng Food and Drug Administration.