Malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na ngayong araw

0
46

Ipinatupad ng ilang kumpanya ng langis ang mahigit dalawang pisong bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Epektibo kaninang alas 12:00 ng hating gabi nagpatupad ang Seaoil ng dalawang piso at pitumpung sentimo na tapyas sa kada litro ng diesel.

Dalawang piso at apatnapung sentimo naman tapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina habang dalawang piso naman at animnapung sentimo sa kerosene.

Nauna nang nagpatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum noong Sabado.