Friday, May 17, 2024

DFA kinalma ang publiko kaugnay sa pagbebenta ng watawat ng China sa Rizal Park

- Advertisement -

Kinalma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr ang publiko kasunod ng kumalat na larawan sa social media ng pagbebenta ng watawat ng China sa Rizal Park sa Maynila.

Ayon kay Locsin, walang dapat na ikabahala sa naturang mga watawat dahil ibinibenta lamang ito kasabay ng pagdiriwang ng Filipino – Chinese Friendship Day kahapon.

Biro pa ni Locsin, huwag na ring mabigla dahil posibleng mayroon ding magbenta ng watawat ng Amerika sa Philippine – U.S Friendship Day.

Una nang pinalagan ng ilang netizens ang pagbebenta ng watawat ng China sa halip na watawat ng bansa dahil sa nalalapit na ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Miyerkules, Hunyo 12.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -