Mga responsable sa nangyaring banggaan ng 2 tren sa LRT-2 papanagutin ng DOTr

0
49

Papanagutin ng Department of Transportation ang mga indibwal na mapapatunayang nagkulang sa naging banggaan ng dalawang LRT- 2 train sa pagitan ng Cubao at Anonas Stations noong Sabado.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, nais niyang marinig ang malinaw na dahilan ng naging sakuna na ikinasugat ng ilang pasahero.

Aniya, hahabulin niya at uusugin ang may sala sa naging aksidente.

Una nang bumuo ng fact – finding committee ang LRTA para imbestigahan ang insidente.

Samantala, siniguro naman ni Tugade na siniseryoso ng DOTr at LRTA ang pangyayari upang hindi na ito maulit muli.