JV Ejercito nag concede na sa kanyang laban sa pagka senador

0
51

Nag – concede na si Senador JV Ejercito sa kanyang laban sa pagbabalik sa senado.

Kasunod ito ng proklamasyon ng COMELEC o Commission on Elections sa mga nanalong senador nitong may midterm elections.

Ayon kay Ejercito, nagpapasalamat siya sa pagkakataon na makapaglingkod bilang senador at isang karangalan na mapaglingkuran ang sambayang Pilipino.

Sinabi pa ni Ejercito, iiwan niya ang senado na buo ang kanyang integridad.

Laglag si Ejercito sa ika –13th posisyon habang pasok naman si Senador Nancy Binay bilang ika 12th senador na lumamang lamang ng halos 200 boto.