Pangulong Duterte hands off sa pagpili ng bagong pinuno ng Kamara

0
46

Hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kongresista sa kanilang magiging pagpili sa bagong house speaker.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hayaaan lamang ng pangulo na magpasya ang mga mambabatas sa pagpili sa kanilang magiging lider.

Ang mahalaga aniya kay Panelo ay tiyakin lamang ng mga kongresista na mananaig pa rin ang maayos sa pagsisilbi sa bayan.

Kabilang sa mga matunog na naglalaban para maging House speaker sina Congressman Lord Velasco, Alan Peter Cayetano, Pantaleon Alvarez at Martin Romualdez.