Mga residente ng Brgy. Bangkal sa Makati pinayuhan iwasang manigarilyo o magsindi ng kandila dahil sa gas leak

0
59

Pinayuhan muna ng otoridad ang mga residente sa Barangay Bangkal sa Makati City kung saan nagkaroon ng gas leak mula sa isang gasolinahan na iwasan munang manigarilyo o magsindi ng kandila sa bisinidad.

Nagpapatuloy din ang isinasagawang pagsusuri ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa gasolinahan ng Phoenix Petroleum para matukoy ang posibleng pinagmulan ng gas leak.

Kabilang dito ang gravity test sa storage tank ng gasolinahan habang nakatakda namang magsagawa ng hydro test ang isang third party company bukas.

Samantala, sinabi naman ni BFP Spokesperson Algie Mullanida na nagpapatuloy din ang kanilang ginagawang flushing o pagpapadaloy ng tubig sa mga drainage system at canal para matiyak na walang mangyaring sunog o pagsabog sa lugar.